
Aishite imasu Mga Dagling Sanaysay sa Danas-Japan
Kung baga sa Pillow Book ni Sei Shōnagon, ito’y isang libro ng pangingilalang muli at pagliliwanag sa sarili. Bida rito ang biyaherong Filipino sa Japan at ang daloy ng kaniyang prosa. Mapagmasid, gising, mapang-aliw, paminsan minsan nanggugulantang gaya ng biglaang paglusong sa sobrang init na tubig ng onsen. Maikli man ang lakbayin ng dagling sanaysay, sa “I love you” lahat nauuwi. –PAOLO MANALO Awtor ng Happily Ever Ek-ek Hindi lamang ito tungkol sa mga Hapon. Kuwento rin ito ng (mga) Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sa kaniyang abentura, bitbit palagi ni Joey-sensei ang danas, halagahin, at kasaysayan ng isang Pinoy, kung kaya’t saan man mapadpad at lumibot ang kaniyang mga naratibo, lagi’t laging umuuwi ang mga ito sa mas malalim na kabatiran tungkol sa sarili at sa ibang kultura. –GALILEO S. ZAFRA Iskolar, kritiko, propesor Unibersidad ng Pilipinas Ang mga ganitong elaborasyon at salaysay ni Romulo Pascual Baquiran Jr. ang nagpapalalim sa mga damdaming hindi masabi