Aralin at Siyasat: Mga Pagninilay Hinggil sa Tula by Louie Jon A. Sanchez

Aralin at Siyasat: Mga Pagninilay Hinggil sa Tula by Louie Jon A. Sanchez

$50.00
{{option.name}}: {{selected_options[option.position]}}
{{value_obj.value}}

Ang “problema” raw sa atin dito sa Filipinas ay mga kritiko rin ang mga makata/manunulat. Maaaring sabihing suliranin ko rin ito, na isa pang kontradiksiyon. Malinaw sa akin ang aking mga pamumuhunan, at makikita ang mga iyan sa mga paksang pinili kong sulatin o mga usaping kailangan kong sagutin. Pero diyalogo, sa ganang akin, ang una’t huling mithi ng pagsulat, kung kaya’t maaari ring malasin ang ganitong pakiwari bílang biyaya. Kailangang makipagtalastasan ng makata sa kaniyang kapwa makata, sa kasaysayang pampanitikan ng bansa, sa panitikang pandaigdig na may sarili ring pag-aanyo at kasaysayan. Maaaring hindi lámang tula ang maging daan at daluyan ng diyalogong ito; kaya nga siguro may ibang pakikisangkot na tatawagin kalaunan na “kritisismo.” Tulad ng pagiging makata, nakapabigat para sa akin ng etiketa ng pagiging kritiko, kaya, gaya nga ng nasabi, hindi ko tiyak kung ano ang aking itatawag sa mga nasulat kong ito: kritikal na sanaysay, maaari, ngunit para talagang mas kumporme

Show More Show Less