
Ilang Sandali Makalipas Ang Huling Araw Ng Mundo Mga Tula
Hindi lungkot kundi pag-asa ang hatid ng mga tula ni Reagan Romero Maiquez sa koleksiyon. Hindi lungkot kundi ang pagnanais na mabuhay o magpatuloy ng buhay, kahit na ang araw-araw ay tila ginagawang katapusan ng mundo para sa mga pangkaraniwan. Higit sa lahat, isinisiwalat ng mga tula rito kung bakit patuloy na humihinga ang mga pangkaraniwan. Kung bakit patuloy na bumabangon mula sa pananadlak ng malupit na sistema. Kung bakit patuloy na kumakapit kahit sa ilang saglit—mga nakaw, inangkin, binawing sandali—bago at matapos ang iba’t ibang bersiyon ng pagkagunaw ng mundo. Sa ganitong poetika ng pag-usbong ng hindi pangkaraniwang mamamayan, makikita ang hindi pangkaraniwang makata—ang mga hindi pangkaraniwang tula na dumarama at umiibig sa pangkaraniwan, umuunawa sa personal at politikal, at nagdudulot ng pag-asa at pagmamahal sa gitna ng mga delubyo, peligro, at iba pang uri ng katapusan ng mundo. Ganito ang hindi pangkaraniwan: Hindi lungkot kundi pag-asa. Hindi lungkot kundi pag-ibi