
Walang Iisang Salita by Paul Alcoseba Castillo
Nilalagom sa aklat na ito ng mga tula ni Paul A. Castillo ang wakas at bakás ng simula ng pagkakalulong at pagkakakulong sa salita. Tumutuloy, tumutulay ang makata patawid sa matwid ng dalas ng dahas at pagsanib ng panganib sa pinipili [...] Walang iisang salita na tutumbas o tutumba sa bisyo at bisyon ng pananalinghaga. Sadyang walang iisang salita ang makata. –Michael M. Coroza Ang kapangyarihan ng koleksyong ito ay ang pagpapamumukha ni Castillo na narito, kaulayaw lamang natin ang mga tula, nasa mga pangyayaring malabong matawag na matulain ng mga gurong ulyani’t mas hukluban pa sa mga humukay ng prehistorikong ilog. Ang kabuuan ay magpapaalala sa ating maghinay-hinay, magnilay, magsinsay sa kawalan-ng-iisang-salitang para sa kakayahan nating magsuri’t suriin, lumuhang naninikluhod, tumindig, makipagkapwa, maglingkod, mabuhay, magmahal, magtira ng hininga’t pag-ibig para sa sarili. –Joselito D. Delos Reyes Kailangan ng panahon natin ng mga tulang walang takot at may takot pa rin