
Sapantahang Wika by Virgilio S. Almario
Tungkol sa aklat: Magkakatulad ba ang “kahulugán,” “kabuluhán,” at “katuturán”? Ano ang kaibhan ng “munì” sa “nílay,” ng “pagtarók” sa “paghulò,” ng “hakà” sa “hinuhà”? Bakit mas matindi ang lungkot sa “pighatî” kaysa “lumbáy”? Paano tinitimbang ang “bayani” sa sinaunang balangay? Ilan lámang ito sa sinikap ipaliwanag ni National Artist Virgilio S. Almario sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa sinaunang bait at taal na karunungang maaaring matuklasan sa ating wika. Tinitigan lámang V.S. Almario ang ilang salitâ at kung paano ito ginámit sa ilang piraso ng akda noon, ngunit upang tanglawan sa atin ang mga mga orihinal na hálagáhan (ang pantumbas niya sa values at upang ibukod sa pagpapahalagá o appreciation) at kung paano ito binaluktot ng ating kolonyal na karanasan, at upang kung sakalì ay higit na wasto nating makasangkapan sa ating muling-pagkatha ng ating bayan. Nagsisilbi din itong panimulang pagbuo ng isang pilosopiyang pangwika at patnubay sa paglinang ng ating pambansang kasaysaya